Bakit Lagi Kang Walang Pera?

Lagi mo bang naririnig ang salitang ito, “Wala akong pera.”

“Seryoso ka? Wala kang pera? Yang lifestyle mong yan wala kang pera? Pero ‘pag-gimik at inuman may pera ka. Tapos pag may bagong labas na gadget bigla kang nakakabili. May paista-starbucks ka pa wala ka naman palang pera!!!”

LOL! 

Maraming lohika kung bakit tila naging ekspresyon na ito ng maraming tao. Maaring wala talaga silang pera o nagpapalusot lang.

Pero ang pinagtataka ko, bakit ba tila karamihan ng tao ay lagi nalang walang pera kahit na malaki naman ang kinikita nila? 

Narito ang ilang malimit na dahilan ng mga kagaya kong employado, above minimum wager, pero tila sapat o kulang ang kinikita… Continue reading “Bakit Lagi Kang Walang Pera?”

Advertisements

Bakit Natin Kailangang Yumaman?

May kakilala ka bang ayaw yumaman? 
Yong nais magtrabaho habang buhay? 
At yong kuntento na sa buhay na makakain lang ng tatlong beses sa isang araw?

Marahil, halos lahat naman ay nais yumaman, makapag retiro ng maaga, maraming oras sa pamilya, makarating sa iba’t ibang lugar at makatikim ng mga masasarap na putahe.

Ganun pa man, may mga iilang tao ring ayaw yumaman. Sila yung mga taong ang tingin sa mga mayayaman ay mapanlamang, ganid, at mapang-alipusta. Isa ako dati sa may paniniwalang mas mapalad at mas malapit ka sa Panginoon kung dukha o mahirap ka. Nabasa ko kasi sa Bibliya na:

“Mapalad kayong mga dukha, sapagkat inyo ang kaharian ng Diyos. Mapalad kayong ngayo’y nagugutom, sapagkat kayo ay mabubusog.” – Lucas 6:20

Dagdagan mo pa ng kasabihan na “Money is the root of all evil.” Na anumang pagnanais mo sa karangyaan at pagpapayaman sa pananalapi ay mali at masama!

Sa kabila nito, bakit nga ba natin kailangang yumaman?

“Ito ay medyo mahirap na sagutin, kaya sagutin muna natin ang mga mas madadaling tanong:
Continue reading “Bakit Natin Kailangang Yumaman?”